[epey & a-b's collection of fave songs]

Tuesday, February 21, 2006

MISS U by GRIN DEPARTMENT

minsan sumakay ako ng jeep,
galing ng eskuwela
meron akong nakita sumakay na magandang dalaga
itong chick ay sexy talaga at
sos ang dating
kaya naisipan kong magpa-cute at magpapansin

O, anong tuwa ko nang abutin ko ang kanyang bayad
para akong asong ulol baw, waw, waw
na nagkakandarapa
halos magkanda-haba haba
haba haba haba haba
ang aking kamay sa pag-abot nang kanyang sukli
sabay bigla akong nag hi...hi

chorus:
miss, miss sa loob nang jeepney
sana naman ako ay bigyang pansin
miss, miss sa loob nang jeepney
sana naman ako'y bigyang tingin
(tingin naman diyan)
(tingin naman diyan)

isa lang po ang aking problema
kung paano ko siya makikilala
eh, pumara ang jeep, sumakay si lola
eh, puno na pala
kahit di ko gawain, ako'y
napilitan "lola, dito ka na"

nang akoy nakasabit na bigla
ang bulong niya eh "ingat ka, baka ka madisgrasya"
ako'y na shock sa caring niya
ako'y na shock kasi concern siya
pumalakpak ang aking tenga
plak, plak, plak, ang sabi nang aking tenga

(repeat chorus)

pagdating sa dulo biglang na-traffic
may banggaan daw sa kanto
nagkabanggaan ang aming tingin,
nauwi sa mabuting usapin
nagkabanggaan, nagkahabaan
ang aming usapan
mula kababawan hanggang kalaliman, di ko namalayan
siya pala ay papara na
goodbye, goodbye ang sabi niya
goodbye, goodbye hangang sa muling pagkikita
goodbye, goodbye, goobye
goodbye, goodbye...

nakalimutan kong itanong
pangalan niya at tirahan niya
nakalinutan kong isulat
phome mumber niya o beeper number niya
nakalimutan kong sabihin
ang pangalan ko at ang bayan ko
nakalimutan ko, nakalimutan ko
nakalimutan ko pati bayad ko

(repeat chorus except last 2 lines)

chorus2:
miss, miss sa loob ng jeepney
sana naman ako'y kausapin
miss, miss sa loob ng jeepney
pamasahe mo'y aking aabutin
paano kita hahanapin, paano kita hahagilapin
eh, hinabol ako ng driver na sinasakyan natin

kaya, kaya, kaya, kayaaaa...
nag 1 2 3 ako takbo na!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home