BAKIT BA GANYAN by DINA BONNEVIE
Bakit ba ganyan,
Ang ibig ko'y lagi kang pagmasdan?
Umula't umaraw ay hindi pagsasawaan
Ang iyong katangian
Damdamin ko'y ibang-iba kapag kapiling ka, sinta.
Ewan ko, bakit ba ganyan;
Damdamin ay 'di maintindihan?
Kailangan ang pag-ibig mo
Dahil sa ako'y nagmamahal sa'yo
Magmula nang kita ay makilala.
Bakit ba ganyan,
Kung minsan ay nauutal sa kaba
Kapag ika'y kausap na
Ngunit lumalakas ang loob kung ikaw ay nakatawa.
Ewan ko, bakit ba ganyan;
Damdamin ay 'di maintindihan?
Kailangan ang pag-ibig mo
Dahil sa ako'y nagmamahal sa'yo
Magmula nang kita ay makilala
Oh, ewan ko, bakit ba ganyan;
Damdamin ay 'di maintindihan?
Kailangan ang pag-ibig mo
Dahil sa ako'y nagmamahal sa'yo
Magmula nang kita ay makilala.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home