MAKITA KANG MULI (theme from Panday) by SUGARFREE
Bawat sandali ng aking buhay
Pagmamahal mo ang aking taglay
Saan man mapadpad ng hangin
Hindi magbabago aking pagtingin
Pangako natin sa Maykapal
Na tayo lamang sa habang buhay
Maghintay..
Chorus:
Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig
Maghintay ka lamang ako'y darating
Pagka't sa isang taong mahal mo
Nang buong puso lahat ay gagawin
Makita kang muli, makita kang muli
Puso'y nagdurusa, nangungulila
Iniisip ka pag nag-iisa
Inaalala mga sandali
Nang tayo ay magkapiling
Ikaw ang gabay sa akin tuwina
Ang aking ilaw sa gabing mapanglaw
Tanging ikaw..
Chorus:
Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig
Maghintay ka lamang ako'y darating
Pagka't sa isang taong mahal mo
Nang buong puso lahat ay gagawin
Makita kang muli, makita kang muli
Makita kang muli..
0 Comments:
Post a Comment
<< Home