BAKIT NGA BA? by RETROSPECT
akala ko noon
sa aking tanong, ikaw na ang tugon
kung ano bang nadarama
ng isang taong may minamahal
ngunit ngayo'y lito
muli kong tanong, o bakit ganito?
biglang nagbago, damdamin mo
tila ika'y lumalayo
refrain:
ngunit ano pang gagawin
puso'y kay hirap sagutin
mabuti pang wag mong isipin
mabuti pang huwag tanungin
chorus:
(kung) bakit nga ba?
kailangan pang matutong magmahal
bakit nga ba?
kung di rin lang ito magtatagal
hanggang kailan kailangang tanungin
ang puso ko at ulit ulitin sa sarili ito
bakit nga ba... bakit nga ba?
ano bang dahilan
kulang pa bang pag ibig na alay
bakit ba ganyan ang magmahal?
sa bandang huli'y masasaktan
(repeat refrain & chorus)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home